- John Wooden
Checking the sails
May 25, 2010I’m pretty amazed with how my life has changed in less than a year. I woke up one day and I just knew that I will never be the same again.
As I read through old posts and journals entries, I realized that maybe I finally grew tired of everything. I grew tired of worrying too much so I decided to let go of it.
I crashed, crumbled and fell. I tried hard to put the pieces back. I had to start over again…and I knew had to do things in a different way.
Little by little, I make efforts on overcoming my fears. I started facing the things I have been avoiding for so long and I’m still willing to work on overthrowing them completely.
I feel more alive.
It doesn’t feel perfect and I’m expecting huge waves of future setbacks but it really feels fine.
I know I’ll be fine. ♥
This is not just another hello.
I promise not to make promises anymore.
“Taking everything for granted but we still respect the time
We move along with some new passion knowing everything is fine” ♪
Idlip
January 4, 2010Nanaginip ka na naman. Hindi mo alam kung ano ba ang dapat mong maramdaman sa mga eksenang ginawa lang ng malikot mong utak. Magiging masaya ka ba? Bubuuin ba ng ilang oras ninyong pagsasama sa ulap ang iyong araw sa iyong paggising? Babaunin mo ba ang ngiti sa iyong pagpasok sa eskwela?
Umaasa ka pa bang magiging totoo ang lahat?
Minsan mas mabuti pa ngang walang panaginip. Natulog kang madilim lang. Pagkagising mo, parang pumikit ka lang. Mas mabuti pa kung hindi ka nalang marunong mag-isip ng mga bagay na maaaring mangyari pero hindi naman talaga pwedeng mangyari. Pero kung iisipin mo hindi ka naman nag-iisip na gaya ng pag-iisip mo sa tuwing nagsusulat ka ng nobela. Hindi mo naman pinaplano kung anong mangyayari sa panaginip mo. Sadyang ganoon na lamang siguro kalalim ang nararamdaman mo kung kaya’t kusa na siyang ipinapalabas ng utak mo.
Parang sine. Parang pelikula. Ikaw ang bida at siya naman ang iyong kapareha. Pero bakit lagi kang malungkot sa mga eksena?
Kahit nasa proseso ka na nang unti-unting paglimot, ayaw ka paring tantanan ng kaisipang “pwede pa siguro”. Minsan hindi na nakakatuwa. Hindi ka makaurong. Hindi ka makahanap ng iba. Pero ang pang-asar pa, ikaw rin naman itong ayaw lumayo. Ayaw mong mawala ang mga panaginip.
At muli sa iyong pag-idlip, dadalawin ka nanaman niya. Ibang lugar, ibang sitwasyon, ibang panahon. Sa huli, hindi pala mga kamay niya ang pupuno sa mga lakdaw ng iyong mga daliri.
Biglang tutunog ang orasan.

12.13.09


